Saturday, November 28, 2009
"Ayaw ko nang mag-aral!"
Sino'ng nagsabing "AYAW KO NANG MAG-ARAL!"?
Marami sa mga kabataan mag-aaral ngayon ang sumusuko at tumitigil na sa pag.aaral. Aaminin ko, isa na ko do'n. Isa sa mga libo-libong estudyanteng natutulog sa klase, 'di nakikinig sa prof at minsan pa'y tinatamad pumasok. Isa na 'ko do'n.
Marami sa 'tin, napilitan lang mag-aral dahil 'yun ang trend. Kumbaga sa damit, 'yun ang uso. May iba, nag-aaral para magkaroon lang ng allowance. May iba, para lang magpakyut, magpasikat at magpapansin. Pumapasok tayo sa eskwelahan para mag-aral. Gumagasta ang mga magulan natin para tayo'y matuto.
Kung nag-aaral ka ngayon, isa ka lang sa libo-libong maswertent tao na binigyan ng pagkakataon para makahawak ng lapis at papel, para makapagbasa ng makakapal na libro at para makirinig ng sermon. Hindi lahat ng estudyanteng gustong mag-aral at hindi lahat ng gustong mag-aral ay estudyante.
Marahil, minsan o madalas sinasabi mong, "ayaw ko nang mag-aral!" Pero teka. Naisip mo na bang ayaw din sa'yo ng pag-aaral dahil hindi mo naman 'to pinapahalagahan? Mag-isip ka ulit kung may isip ka. Intindihin mo'ng sinasabi mo. Ilang tao na din ang nagsabi niyan pero ni isa ay walang nagtanong kung gusto sila ng pag-aaral.
Sa bawat sigaw na, "ayaw ko nang mag-aral!" ay mga kabataan naghahangad makapasok sa konkretong gusali, umupo sa silid-aralan, makinig sa guro. Sila ang mga kabataang nagnanais mag-aral. Sila ang mga 'di pinalad matutuhan ang katulad ng pinag-aaralan mo ngayon. Ngayon, isisigaw mo pa ba ang mga katagang "ayaw ko nang mag-aral!"?
Isipin mo. Nagmamartsa ka. Aakyat sa entablado. Sasabitan ng medalya. Aabutan ng diploma. Sino'ng magulang ang 'di matutuwa? Na lahat ng dugo't pawis na kanilang iginugol ay nagkaroon ng higit pa sa materyal na kapalit? Ngayon, naiisip mo bang nagpagod ang magulang mo para lang makapag-aral ka? Pumasok ba sa utak mong, suklian ang paghihirap nila?
Ngayon, kung ayaw mo nang mag-aral, sige lang. Gawin mo ang gusto mo. Kung nakonsenya ka naman, kahit hindi maka-uno, ayos lang 'yan! Ang mahalaga, nag-aaral ka at hindi nagsasayang ng pera.
Mahalaga ang pera. PERO MAS MAHALAGA ANG EDUKASYON.
Ngayon. Ang tanong, gusto o ayaw mo na bang mag-aral?