PotPotPaw is inlove.♥

Thursday, October 22, 2009

Share-A-Blanket.

Last October 9, 2009, Typhoon Pepeng came to destroy almost the whole Norther Luzon. One of the most affected area was La Trinidad, Benguet. Many people were buried alive due to landslides and slope failures.

ako mismo, nasa Baguio nung mga panahong rumagasa si Pepeng, para kaming na-house arrest dahil hindi kami makaalis ng bahay dahil sa lakas ng ulan. pero dahil ang daming requirements na kailangang ipasa sa school, pumasok pa rin kami despite the strong rain at dagdag pa ang malakas na hangin. it was my first time na makaramdam ng gano'ng kalakas na bagyo. dati rati, masaya pa 'ko kasi walang pasok tuwing may bagyo. pero ngayon, kung pwede lang patayin si Pepeng pinatay ko na siya. imagine, maglalakad ka papuntang skul na basang basa kasi walang kwenta 'yung gamit mong payong dahil sa lakas ng hangin. at kahit ang SM hindi ligtas, parang nawalan ng bubong dahil basa din sa loob. nakapayong nga kami habang naglalakad sa third floor eh, astig ba? hindi noh.

wala pa kaming tv no'ng time na 'yon kaya naman ang mga parents namin na nasa baba ay panay ang pagtawag. assuring our security and if we were safe sa place namin. and it was at that time na may mga taong nagpakita ng concern kahit hindi ko sila personally kilala. one was a friend from plurk, he's a guy and i don't know him personally pero nakatext ko na siya dati. nagulat ako na pagkagising ko, there were three messages. 2 from him and one from my dad. the guy ask kung okay lang daw ba 'ko, i said oo naman and i ask him why, sabi niya, "isolated daw kasi kayo ngayon eh. wala lang, naalala lang kita." ayun, natouch ako and nagpasalamat naman ako sa concern niya. marami pang nagtanong at nagtext kung kamusta naman daw lagay namin sa Baguio, hindi ko akalaing maalala pa nila 'ko. kahit na paulit-ulit ang mga tanong nila, never akong nagsawa kakasagot. kasi for once, i felt loved. alam mo 'yun, may mga taong naalala pa rin pala kahit hindi ka masyadong nagtetake part sa buhay nila. naguilty nga din ako kasi nung sila 'yung binaha ni Ondoy, ni hindi ko man lang naalalang magtanong. kaya naman, gusto kong iparating ang deepest appreciation ko sa mga taong nagpakita ng concern sa 'kin.

nang magsubside na 'yung bagyo at umalis na si Pepeng, dun naman nagstart ang pagiging Bayani ng mga iba't ibang tao. nagtutulungan para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo. kahit na wala mang maibigay, the fact na tumulong ka para makapag-serve at makapagbigay tulong sa iba, ayos na 'yon. sana lang, sa mga taong naapektohan, marunong din silang magpasalamat. hindi din biro 'yung dinaanan ng mga relief goods na inabot sa kanila, sana maappreciate nila 'yung tulong na binibigay ng mga taong hindi naman sila kilala. at sana, sa mga politicians, 'wag na lang silang tumulong kung may motibo naman. nakakaasar lang kasi, ang hirap na nga ng mga dinadanas ng mga tao gagamit pa sila ng mga walang kwentang gobyerno. (aktibista na ba? haha.)

ako ngayon, kahit alam kong onti lang ang nagbabasa nitong blog ko, ay humihingi ng tulong mula sa mga taong mababait, magaganda, gwapo, kyut na may mabuting puso. kahit man lang sana prayers para sa mga nasalanta ng bagyo, mula North to South of Luzon na naapektohan nila Pepeng at Ondoy.

Let's all warm the hearts of other Citizens of our Country, the Philippines.
Share-a-Blanket through your prayers.


THANK YOOOO. :)


hold me now at 11:23:00 PM
0 replies
PotPotPaw is inlove with YOU.

GLiMPSE.

i'm PotPotPaw.
a student by mind not by heart.
i love photography and art.
a frustrated musician.
AND NOT the WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET type.

KNOW ME MORE.


AFFiLiATES.

Teentalk. The Girl in Me.
EMESPURR's FS. EverLasting Barkada.
EMESPURR WEBSITE. My Second Home.
UP Baguio. My Second Home.

FRiENDS.

JHA.
RAYNE.
ALENA.
ZAI.
CAE.
NETTIE.
XIARA.
KAYCEE.
STAR.
ROSE.
WILMA.

You are VISITOR NUMBER:

Web Counters
Tacoma Dating Services


GOING BACK.

Tagboard