Saturday, July 25, 2009
sino na ba si PotPotPaw?
AKO Si POTPOTPAW.
isa akong batang ligaw.
seryoso ako.
bakit?
hindi ko din alam eh, malamang kasi hindi ko pa alam,
kung sa'n talaga dapat ako pumunta.
kung sa'n ako dapat maglakbay.
kung sa'n ako dapat mangarap.
pero hindi lugar 'yung tinutukoy ko.
iniisip ko kung ANO BA KO DITO?
napagtanto ko pa nga, ANG IGNORANTE KO NAMAN PALA NOON.
pero ngayon.
unti unti ko nang naiisip kung sa'n ako pupunta, kung sa'n ako maglalakbay at kung ano talaga ang pangarap ko.
wala naman akong pakialam kung may magbasa man nito o wala.
mas mahalaga kasi sa 'kin kung mailabas ko kung ano man ang tumatakbo sa utak ko 'diba.
at mahalaga din sa 'kin, na unti unti nang nagiging bukas ang mata ni PotPotPaw.
AT AKO 'YUN.