PotPotPaw is inlove.♥

Friday, January 1, 2010

Solomot 2k9! Hello 2k10 para sa mas mahabaaaaang friendship. :))

HAPPY NEW YEAAAAR! *pskogjgajaljglj* kunware paputok 'yon. :))

Dahil sa message ni Wilma at sa mga blog ni Keila at ni Ciara.
eto, gaya-gaya ako. HAHAHAHA! humanda sa madramang nobela.

EHEM. EHEM. EHEM. *inuubo sa paputok.*


KICHE. KAYCEE. KATKAT. | anak koooo.
Salamat! Salamat at naging anak kita, na manang mana sa 'kin.
Haha, syempre like mother like daughter tayo. Parehong maganda! AYIE~
'Wag ka sanang magsawang maging mabuting kaibigan sa amin.
Mga advices mong panalo, mga ideas mong kakaiba.
'Wag kang titigil. Pagpatuloy mo lang kahit minsan akala mo tinatamad ka na.
Pwede kang mag-pause sandali, pero alam kong babalik at babalikan mo rin 'yan.

Be happy anak! Magkalove-life na sana tayo ngayong 2010! HAHA, loveyou. :))


ALENA. | bunso koooo.
Ang isa ko pang anak na ubod ng kulit, haha. At syempre, maganda din! Oha.
Salamat naman sa mga kwento mo tungkol sa 'yong buhay pag-ibig.
Thankyou din sa pakikinig mo sa 'min.
At ikaw pa lang sa lahat ang nakausap ko sa phone, HAHA.
Goodluck sa lovelife mo bunso, hinay-hinay lang ah.

Oh ayon, be happy lagi! Goodluck sa lovelife natin! ;) loveyou bunso! :))


ULAN. RAYNE. | wala pa tayong callsign!!!! haha.
Ang isa sa malakas ang trip na nakilala ko sa OL world ko.
Oha Oha. Oo na, maganda ka na! AYIEEE~
Syempre, salamat sa mga kalokohan mo.
Dahil sa'yo, tumatawa ako ng mag-isa habang nakaharap sa computer.
Napapagkamalan tuloy akong lukaluka ng nanay at tatay ko, haha.
Ipagpatuloy lang ang kalokohan. 'Wag pansinin ang mga haters, inggit lang 'yon!

Ayon, stay cute! AYIEE~ loveyou ulan!


CIARA. | badiiiiiiiiing!
Tumili din ako, kala mo. HAHAHAHA.
Ako din eh, kapag nakakausap kita sa plurk, naloloka ako kakatawa.
Mga kalokohan mo, nakakaloka talaga.
At kahit gurang na 'ko, young at heart pa rin! HAHA.
Hayaan na ang mga lecheng lalakeng nanakit sa'yo, daming lalaki, daming lalandiin!
At syempre, andito lang ako para makinig sa mga kabaliwan mo. Ate as always!

Stay pretty bading! 'Wag paapekto sa mga bitch ha. Loveyou!


STAR. | Meeeeeeer!
Miss na kitaaaa! Thank you sa pagtutrust mo sa 'kin.
Syempre ako din, i trust you. Salamat sa mga kwento ng lovelife mo.
Tama, MGA, marami kasi eh. HAHA, peace tayo Mer!
Hindi pala ako nag-iisang ate dito, magkasama pala tayo!
Ipagpatuloy lang ang pagiging ate at ang pagbibigay ng advices sa 'min.
Syempre, kung kelangan mo ng mapagsasabihan, dito lang ako ha.

Stay beautiful Mer! Keep the curly hair ha, pang-attract ba sa boys 'yan? Magpakulot nga din ako. HAHA, jk. Loveyou Mer!


SAB. | Pinyaaaaa!
Naalala mo pa 'yung condo? 'Yung nagpaparty tayo? HAHA.
Ang tagal na no'n, napasok lang bigla sa isip ko.
Ang tangkad mo! 5'9? Shet, pahingi naman ng 4 inches! HAHA.
Salamat sa pagpapatawa niyo. Grabe, napagkakamalan akong baliw dahil sa inyo eh.
Pero okay lang 'yon, happy naman tayo!
Bawas-bawasan ang katamaran. Haha, joke. Ganyan din naman ako eh.
Umulan sana ng mga gwapo at totoong lalake ngayong 2010! Para sa 'tin. HAHA.

Stay cute Pinyaaa~ Loveyou! :))


WILMA. |Blueeeeee!
Ayon oh, kakabasa ko lang na may lovelife ka na. HAHA!
Ikaw ah, kwentuhan mo naman akooooo.
Nasabi ko na sayo yung gusto kong sabihin sa email eh.
Pero yun pa rin yon. Thank you pa rin ha!
Thank you sa pakikinig ha?

Stay pretty blue! loveyoooooou!


KEILA. |Kaaaaaaaabbs!
Salamat rugu king prendship tamu.
HAHA, ikaw lang ang kilala kong teentalker na kapampangan!
Kelan lang tayo naging close pero salamat sa trust mo.
Mimingat ka lagi. Magkalablayp tamu murin Kabbs!

Stay cute Kabbs! Love yoooo~


JHA. | Pamangkiiiiiiiin.
Miss na kita! Tagal na nating walang kwentuhan eh.
Thankyou pala at naging pamangkin kita kahit di na ko part ng AList.
At syempre, thankyou din sa mga kwentong pag-ibig mo.
Ayieee~ Buti naman at happing-happy ka na ngayon.

Stay pretty pamangkin! Loveyou!


_____________________________________
sabi sa inyo madrama eh.
'di bale, minsan-minsan lang naman 'to.

SALAMAT SA INYO AT NAGING MAKULAY ANG BUHAY INTERNET KO.
at syempre, salamat sa tiwala na shine-share niyo din sa 'kin ang personal life niyo.
NAKAKATATS! At onga pala, AYLABYOOOOO!
Nawa'y mas mahabang friendship pa ang pagsaluhan natin.
At sana, ONCE UPON A TIME, magkitakita tayong lahat sa personal.
Kung kailan man 'yon, bahala na si Bro.

STAY PRETTY, CUTE AND BEAUTIFUL MGA GIRLS! Love kayo ni ATE *yuck* ERIN/POT.






hold me now at 3:16:00 PM
0 replies
PotPotPaw is inlove with YOU.

Saturday, November 28, 2009

"Ayaw ko nang mag-aral!"

Sino'ng nagsabing "AYAW KO NANG MAG-ARAL!"?

Marami sa mga kabataan mag-aaral ngayon ang sumusuko at tumitigil na sa pag.aaral. Aaminin ko, isa na ko do'n. Isa sa mga libo-libong estudyanteng natutulog sa klase, 'di nakikinig sa prof at minsan pa'y tinatamad pumasok. Isa na 'ko do'n.

Marami sa 'tin, napilitan lang mag-aral dahil 'yun ang trend. Kumbaga sa damit, 'yun ang uso. May iba, nag-aaral para magkaroon lang ng allowance. May iba, para lang magpakyut, magpasikat at magpapansin. Pumapasok tayo sa eskwelahan para mag-aral. Gumagasta ang mga magulan natin para tayo'y matuto.

Kung nag-aaral ka ngayon, isa ka lang sa libo-libong maswertent tao na binigyan ng pagkakataon para makahawak ng lapis at papel, para makapagbasa ng makakapal na libro at para makirinig ng sermon. Hindi lahat ng estudyanteng gustong mag-aral at hindi lahat ng gustong mag-aral ay estudyante.

Marahil, minsan o madalas sinasabi mong, "ayaw ko nang mag-aral!" Pero teka. Naisip mo na bang ayaw din sa'yo ng pag-aaral dahil hindi mo naman 'to pinapahalagahan? Mag-isip ka ulit kung may isip ka. Intindihin mo'ng sinasabi mo. Ilang tao na din ang nagsabi niyan pero ni isa ay walang nagtanong kung gusto sila ng pag-aaral.

Sa bawat sigaw na, "ayaw ko nang mag-aral!" ay mga kabataan naghahangad makapasok sa konkretong gusali, umupo sa silid-aralan, makinig sa guro. Sila ang mga kabataang nagnanais mag-aral. Sila ang mga 'di pinalad matutuhan ang katulad ng pinag-aaralan mo ngayon. Ngayon, isisigaw mo pa ba ang mga katagang "ayaw ko nang mag-aral!"?

Isipin mo. Nagmamartsa ka. Aakyat sa entablado. Sasabitan ng medalya. Aabutan ng diploma. Sino'ng magulang ang 'di matutuwa? Na lahat ng dugo't pawis na kanilang iginugol ay nagkaroon ng higit pa sa materyal na kapalit? Ngayon, naiisip mo bang nagpagod ang magulang mo para lang makapag-aral ka? Pumasok ba sa utak mong, suklian ang paghihirap nila?

Ngayon, kung ayaw mo nang mag-aral, sige lang. Gawin mo ang gusto mo. Kung nakonsenya ka naman, kahit hindi maka-uno, ayos lang 'yan! Ang mahalaga, nag-aaral ka at hindi nagsasayang ng pera.



Mahalaga ang pera. PERO MAS MAHALAGA ANG EDUKASYON.



Ngayon. Ang tanong, gusto o ayaw mo na bang mag-aral?
hold me now at 8:48:00 PM
0 replies
PotPotPaw is inlove with YOU.

Thursday, October 29, 2009

Laughter is the Best Medicine.





ilang araw na din since i laughed so damn hard. right now kasi, i'm sick. physically and emotionally? err, i dunno. pero physically, sure 'yon. emotionally, ewan ko lang.

it has been a past time to read the corniest jokes and the cheesiest pick-up lines. naging pampalipas oras na namin 'to, ang magbanatan ng kung ano-anong jokes at pick-up lines. well, others might say we're too corny and baduy. i say, it's one of the simplest gestures to make someone happy. living away from home and studying mind-draining courses, hindi mo namamalayang sobrang stressed ka na. that's why, from time to time, you have to take a good joke and a cheesy pick-up line ahead of you. it's not always about being corny. sometimes, it's good to know you're making people laugh with your ka-cornihan.

don't you know that cheesy pick-up lines help guys make their girls fall even more? well, yeah, i'm telling you, kahit corny basta galing sa taong mahal mo, aprub! *two thumbs up* at ang mga simple pero corny jokes, matatawa ka at makakalimutan mong namomroblema ka pala kahit sandali lang. these worked on me, swear. with all the stressful things na dumadaan sa buhay ko, i bet walang binatbat 'yon sa sandaling laughter kapag binabanatan ako ng mga jokes at pick up lines. at least for a moment, my mind went off to something relaxing and made me happy for a moment.

ngayon, i've been missing the "banats" and the "jokes" of my boardmates. i just missed laughing so hard despite the long-hour reviews for Zoology 11 and Math 11, gahd, i remembered hell week. now, i'm home alone and texting you-know-who but still not happy. gusto ko nang lumabas, i think i'm wasting my semestrial break hanging around the four corners of our house.

i want to go out and paint the town red or blue, haha.
i want to chit chat with my girls and guy friends.
i want to run through the meadows and fly like a kite.
i want to drive around the city without any driver's license.
i want to drink without being sober.


yo, ang daming kong gusto. haha, ano ba 'yan. XD
but the only thing i want is a crack of joke coming from people who are trying to make me happy. well yeah, i appreciate those kind that doesn't care if they're being korni and baduy. besides, it's good to hear someone laugh.


music to my ears. :)
hold me now at 1:32:00 PM
0 replies
PotPotPaw is inlove with YOU.

GLiMPSE.

i'm PotPotPaw.
a student by mind not by heart.
i love photography and art.
a frustrated musician.
AND NOT the WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET type.

KNOW ME MORE.


AFFiLiATES.

Teentalk. The Girl in Me.
EMESPURR's FS. EverLasting Barkada.
EMESPURR WEBSITE. My Second Home.
UP Baguio. My Second Home.

FRiENDS.

JHA.
RAYNE.
ALENA.
ZAI.
CAE.
NETTIE.
XIARA.
KAYCEE.
STAR.
ROSE.
WILMA.

You are VISITOR NUMBER:

Web Counters
Tacoma Dating Services


GOING BACK.

Tagboard